Sinong magsasabing edit ‘to? SAGOT AGAD!!! :((( #traveldiaries #eiffel #tower #Paris #France (at Eiffel Tower Paris France)

Timestamp: 1367901470

Sinong magsasabing edit ‘to? SAGOT AGAD!!! :((( #traveldiaries #eiffel #tower #Paris #France (at Eiffel Tower Paris France)

Hindi biro ang magkaron ng malabong mata.. Hindi mo napapansin pero sobrang hirap. Yung kahit na nasa front row ka na nakaupo at todo squint ka na hindi mo pa rin mabasa, yung pag umo-order ka sa fastfood kulang na lang sumampa ka sa counter para mabasa mo yung pagpipilian, yung magugulat ka na lang na may magp-PM sa’yo na ang snob mo daw dahil nginitian/kinawayan ka niya pero hindi mo siya pinansin, yung akala mong ikaw yung kinakausap tapos hindi pala, yung napapag palit palit mo yung mga tao pag nasa malayo *yung tipong napagkamalan mong si ano si ganito* at ang classic pa dito, yung akala mong pogi/maganda tapos chaka pala “Ven ang gwapo nung naka kulay blue noh?” “Tange, ang panget kaya. *tatawa*”… Totoo ‘yan. HAHAHA :( 

1st Year ako nagsimula magsuot ng salamin, 120/120 na agad yung grado ko. Tapos hanggang nung mag 2nd Year ako hindi naging big deal sakin na malabo yung mata ko. Pinaka nag sink-in sakin na sobrang labo na talaga ng mata ko eh tuwing bumibyahe kami ni Daddy, ako DATI yung taga-basa niya ng mga karatula ng lugar (Visayas Ave, etc.) Tapos ngayon kahit naka salamin na ko, wala pa rin talaga. Dun ko talaga pinaka na realize na sobra na pala talaga yung linabo ng mata ko. Dahil din sa mata ko kaya hindi ako masipag kumopya ng notes ayoko kasi na lagi kong sinusuot yung salamin ko, halos lahat ng kaklase at teachers ko napapansin na hindi talaga ko kumokopya ng notes, depende na lang pag terror yung teacher.

Nung summer bago mag 4th Year, nagpagawa ulit ako ng salamin. 180/200 na yung grado ko. Sobrang nanlumo talaga ko. Kasi naalala ko nung bata pa ko, aware na ko na si Mama, si Kuya pati si Daddy nagsusuot ng salamin. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko hahayaan lumabo yung mata ko, pero wala. If I could just turn back time, pinagsisisihan ko talaga ‘yang habit ko na paglalaro ng PSP sa dilim.

Ngayon mas lalo kong pinagsisisihan yung paglabo ng mata ko, lalo’t papasok na sa college. Hindi kasi talaga komportable para sakin na may suot akong salamin once in a while. Alam kong maraming nakakarelate sa ganitong kalagayan, pero la eh ¯\_(ツ)_/¯ Shoutout sa mga may 20/20 na eye vision, ingatan niyo ‘yan!

4 hours to go graduation na! Kahit hindi ako valedictorian o salutatorian, may graduation speech ako pa rin ako. Dito nga lang sa Tumblr :)

Unang una sa lahat, masaya ako dahil ggraduate na ko ng highschool. May dahilan sila Mama at Daddy na maging proud na naman sakin. Kahit hindi man ako nakakuha ng mga bonggang awards, okay lang. Nakatapos naman ako. Masaya din ako kasi nalagpasan ko lahat ng nangyari noon. Kahit ilang quizzes ang hinulaan, kahit ilang recitation ang ginamitan ko ng “call a friend”, kahit naranasan kong pumasok ng walang tulog dahil paspasan sa paggawa ng projects, kahit napapatayo sa klase dahil sa kadaldalan, kahit nakapag community service ako dahil sa paggamit ko ng black rubbershoes, kahit nahirapan ako maghagilap ng requirements para sa clearance at hindi nakapagreview sa exam dahil sa katamaran.. Eto ako ngayon oh, makakaaakyat sa entablado. \m/

Sa kabilang dako ay may lungkot din. Syempre tulad nga ng sabi nila, sa 4th Year mo mararanasan yung mga di mo pa nagagawa. Halos dito lahat manggagaling lahat ng “first-time” mo. First time mag Tom Sawyer, first time mapatawag ang magulang, first time tumambay sa clinic, first time matulog sa klase at kung anu-ano pa. Love, Friendship at Dramas. Halos lahat. Mamimiss ko yung school namin, yung batch namin, mga teachers at lalong lalo na ang mga kaklase ko. Mamimiss ko yung mga taong laging sinasabi yung katagang “Magalit na buong mundo sakin, wag lang si Jeks”, yung mga taong ako yung supplier ng ballpen, yung mga taong lagi kong hinuhuthutan ng papel, yung mga taong nagsabi sakin na ako daw yung pinaka hindi nila makakalimutan, yung mga lagi kong kasama mag McDo & mag McDelivery, yung lagi kong kasama sa movie marathon, yung mga kasama ko sa pagpapalaganap ng JEJEPOSE & GANGSTAH POSE, yung halos lahat ng tumangkilik sa ka-havey-an ko, yung Lil^Sxiztuhxs at lalong lalo na yung mga tumanggap sakin ng buong buo. Mamimiss ko talaga kayong lahat. Marami akong natutunan sa inyo na alam kong dadalhin ko buong buhay ko. Mahal na mahal ko kayo. Helium , ‘yo the best! ♥

Sa lahat ng mga naging parte ng pagiging 4th Year ko, thank you ha? Ang dami dami kong natutunan sa inyo. Kung alam niyo lang kung gano ako nagpapasalamat na nakilala ko kayong lahat. Sana walang kalimutan kahit magkahiwalay hiwalay na tayo ng landas. Mamimiss ko kayo goysssss, sobra. Walang halong biro :) Enjoyin na natin yung mga nalalabing mga araw. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko kayo <3 

Masakit man, pero kailangan kong tanggapin. Di ko man kaya, pipilitin ko pa rin. In the end, ako pa rin mahihirapan pag di ko nagawa -___-

Di mo kailangan magbago para sa taong mahal mo. Dahil ang tunay na nagmamahal, tatanggapin ka ng buong buo :) ♥

Chan Speaks HAHAHAHA

Sabi ni Ramon, dignidad daw ng mga lalaki ang pag-iyak. Kaya masasabing mong maswerte ka kung maiyakan ka ng isang lalaki :)

fuhck-me:

Awhhhh

Cutie patootiessss :”)

(via ztrcrmjftw)

Timestamp: 1362738747

fuhck-me:

Awhhhh

Cutie patootiessss :”)

(via ztrcrmjftw)

HELIUM ♥ Yo’ the best!

Nung Homeroom nag open forum kami. Akala ko hindi hahantong sa iyakan. Babanggitin ko na lang yung mga lalaking nagpabilib sakin kasi nagbigay talaga sila ng message na talagang tumatak at sila rin yung mga first time namin makita umiyak. Di ko inakalang inabot kami ng 4:45 dahil dun.

Unang nagsalita si Cueme, sinabi niya lahat ng hinanakit niya. Grabe talaga yung kalagayan niya, nililihim niya lang pala samin. Siya agad yung unang unang nagpaiyak samin. Tapos si Ramon, kinuwento niya yung pagbabagong buhay niya. Dahil daw kay Ma’am kaya di na siya nagka-cutting at lalong tumaas yung grades niya. Tapos si Jim, eto talaga nagpahagulgol saming lahat, eh kasi sa dulo ng message niya, sabi niya: "Ma’am, kahit mag-repeat ako, hinding hindi po kita kakalimutan." Lastly, si Earvil. Para sakin nakakataba ng puso na sabihan ka ng estudyante mong binata na ikaw na lang yung tinuturing niyang nanay. Na ang sakit sakit daw sa kanya nung sinagot niya si Ma’am. Napaka laking fulfillment nun na ganun yung naging impact mo sa buhay ng batang ‘yon.

Yung ibang boys hindi sila nagsalita pero grabe yung iyak nila. Ang bigat bigat lang sa loob pag nakakakita ka ng lalaking umiiyak.

NAPAKA MEMORABLE SAKIN NG PAGIGING SENIOR KO. KASI DAHIL SA MGA TAONG ‘TO KAYA NARANASAN KO LAHAT. MARAMI AKONG NATUTUNAN SA INYO GUYSSSSS. KAYA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO KAYO! SURRRYYYYY 

Alam mo yung nakakagulat?

Yung di na ko nasaktan sa ginawa mo. Yung immune na ko sa sakit na naramdaman ko noon. Thank you ha? Pinatatag mo ko :)

Raven Relavo

Isang beses pa lang ‘ata kami neto nag tampuhan, tapos yung trip trip lang na tampo. Ewan ko ba, wala ‘tong natatagong lambing sa katawan e :’( HAHAHAHAHAHAHAHAHA.